ISANG MASUSING BANGHAY ARALIN SA PAGBASA SA IKAPITONG TAON
I. Mga Layunin
Matapos mailahad ang isang tula, ang mga mag-aaral sa ikapitong baitang ay inaasahang:
1. mabasa nang malakas at madamdamin ang tula;
2. maibigay ang kasingkahulugan ng mga ilang salita sa tula;
3. magamit ang mga salita upang makabuo ng isang pangungusap;
4. makasagot sa mga tiyak na tanong tungkol sa tula;
5. maibigay ang sariling kaisipan tungkol sa tula;
6. malapatan ng musika o tugtog ang dalawang ambahan; at
7. mapahalagahan ang pagkakaroon ng isang kaibigan.
II. Paksang Aralin:
Lunsaran: Pagbasa ng Isang Tula
` “AngAmbahan ni Ambo”
Sanggunian: Gabay ng Guro sa Pagtuturo ng Filipino sa Baitang 7
Mga Kagamitan: Kopya ng tula, mga larawan at mga tsart
Mga Istratehiyang: Pagpapakita ng larawan, pagbubuo ng
mga ginupit na larawan at palabunutan
III. Pamamaraan
A. Bago Bumasa
1. Pagganyak
Gawaing Guro
Magandang umaga mga mag-aaral!
Maaari bang pumaharap si Axcel upang pangunahan tayo sa pananalangin.
Maraming salamat Axcel!
Ngayon
ay papangkatin ko kayo sa dalawang grupo. Magkakaraon muna tayo ng
isang gawain bago natin simulan ang ating talakayan. Magbilang ang bawat
isa sainyo ng isa hanggang dalawa.
Maaari bang magsama-sama na ang lahat ng kabilang sa una at ikalawang grupo.
Bawat
grupo ay bumuo ng isang bilog. Pagkatapos ay pumili kayo ng isa sa mga
miyembro ninyo na siyang bubunot ng sobre dito sa harapan.
Ngayong nakabunot na kayo, tignan ang larawan na nasa loob ng hawak ninyong sobre.
Gawaing Mag-aaral
Magandang umaga rin po Bb. Espejo!
(Pupunta sa harapan si Axcel)
(Magbibilang na ang mga mag-aaral)
(Magsasama-sama na nga ang mga magkakagrupo)
Pipili sila ng isang miyembro nila na bubunot sa harapan)
Ang
larawang inyong nabunot ay siyang bubuuin ninyo gamit ang mga larawang
nagupit na nasa loob ng inyong sobre. Bibigyan ko kayo ng dalawang
minuto upang buuin ang mga larawan. Maaari na kayong magsimula.
Pagkatapos niyo itong mabuo ay maaari niyo na itong idikit sa pisara upang makita ng lahat kung ano ang nabuo ninyong larawan.
Napakahusay ninyo!
Kung
kanina ay isa sa inyong miyembro ang bumunot, ngayon naman ay muli
kayong pipili kung sino sa inyong miyembro ang magpapaliwanag sa mga
larawang nabuo ninyo. Mabibigyan ang dalawang mag-aaral ng tig-iisang
minuto upang ibigay o sabihin ang pagkakaintindi niya tungkol sa
larawan.
Napakaganda ng iyong pagpapaliwanag Rowelyne!
Tama nga ang iyong sinabi. Ito ay
larawan ng isang kagubatan na nagpapakita kung anu-ano nga ba ang taglay na kagandahan at kayamanan ng ating kalikasan.
Ngayon naman ay pupunta si Charisse sa harapan upang magbigay-paliwanag sa nabuo nilang larawan.
(Sisimulan na ng mga mag-aaral ang pagbubuo sa mga larawan)
(Makalipas ang dalawang minuto ay mabubuo na ng magkaibang grupo ang mga larawan. Pagkatapos ay ididikit na nila ito sa pisara.)
(Magpapaliwanag na nga ang dalawang mag-aaral)
(Pupunta si Rowelyne sa harapan at sisimulan na niyang magbahagi ng kanyang kaalaman tunkol sa nabuo nilang larawan.)
Ang
larawan po na aming nabuo ay isang larawan ng kagubatan. Kagubatan na
nagpapakita ng kagandahan ng ating kalikasan. Ang kalikasan na siyang
pinagkukunan natin ng makakain at iba pang pangangailangan katulad na
lamang ng mga punongkahoy na siyang ginagamit nating panluto at panggawa
ng ating bahay at iba pang kasangkapan.
Napakahusay ng iyong pagpapaliwanag Charisse!
Totoong
nagpapakita ito ng uri ng pamumuhay ng mga taong nakatira malapit sa
kagubatan. Dahil dito, napapakain nila ang kanilang pamilya at ang
kanilang sarili. Dito sila nabubuhay.
Napakahusay ng inyong pagpapaliwanag! Sadya ngang alam na ninyong magbigay-interpretasyon sa mga larawang nakikita ninyo.
2. Pag-alis ng Sagabal
Ang mga larawang nabuo ninyo ay may kaugnayan sa paksang tatalakayin natin mamaya.
Ang mga larawang ito ang magsisilbing gabay ninyo upang sa gayon ay maintindihan ninyo ang paksang ating pag-aaralan.
Ngunit
bago ang lahat ay nais ko muna kayong bigyan ng mga kaalamang mas
makatutulong pa sa inyo upang sa gayon ay mas mapadali ninyo ang inyong
pag-unawa at pag-intindi sa tekstong ating pag-aaralan.
Narito ang isang talasalitaan na tutulong sa inyo. Ngayon ay sasagutin ninyo ito.
Ang
larawan naman po na aming nabuo ay isang larawang nagpapakita ng mga
mangangaso. Ito rin po ay larawan ng isang kagubatan ngunit ang
pinagkaiba lamang po ng dalawa ay ang nabuo naming larawan ay
nagpapakita ng pangangaso ng mga tao sa kagubatan o dili naman kaya’y
mga taong nakatira malapit sa kagubatan. Ipinapakita rin po rito ang
pamumuhay ng mga tao-ang pangangaso. Ang pangangaso ay isang paraan ng
paghuli o pagkuha ng mga mababangis na hayop katulad na lamang ng
baboy-damo na siyang nagsisilbing pantawid-gutom nila.
TALASALITAAN:
Panuto:
Gamit
ang mga pangungusap na siyang tutulong sa inyo sa pag-unawa sa mga
salitang nasalungguhitan, ibigay ninyo ang kasingkahulugan ng mga
salitang ito.
1. Ang tubig sa ilog ay dumadausdos sa tuwing dumarating ang tagtuyot.
2. Dahil sa pagguho ng lupa, napuno ng suklab ang kalsada.
3. Magaling siyang humilis ng gitara sapagkat tinuruan siya ng kanyang tatay.
4. Kumakalanting ang kampana tu-
wing alas-sais.
5. Ang agung ay ginagamit nila upang magbigay ng isang hudyat.
6. Ang manik ay isang palamuti sa katawan.
bumababa
tabon
tumugtog
tumutunog
gong
butil
7. Ang hihip ay nangangailangan ng pag-ihip upang tumunog.
8. Makasabatko lamang siya ay masaya na ako.
9. Anas lamang ang narinig ko.
10. Ang dalisdis ng bundok ay mapanganib lalung-lalo na kapag umuulan.
11. Ang mga puno ay nakayungyongsa atin.
Nagbibigay ng _________ ang mga ito.
Sa tulong ng talasalitaang sinagot ninyo ay mas madali niyo nang maiintindihan ang paksang ating tatalakayin ngayon.
3. Pagbibigay ng Pagganyak na Tanong
Bago
natin simulan ang ating pagbabasa sa tula, narito ang ilang katanungan
sa pisara na siyang magsisilbing gabay ninyo sa pagbabasa.
B. Habang Bumabasa
1. Unang Pagbasa sa Tula
Ngayon, nakatitiyak na akong wala ng sagabal sa inyong pagbabasa.
plawta
makasalubong
mahina
gilid
lilim
Ang paksang tatalakayin natin ngayon ay pinamagatang “Ang Ambahan ni Ambo” na isinulat ni Ed Maranan.
Ngayon
ay bibigyan ko kayo ng tig-iisang kopya. Ngunit hayaan niyo na ako muna
ang bumasa sa tula nang malakas at madamdamin upang sa gayon ay
magkaroon kayo ng batayan kung paano ang pagbasa nito nang wasto.
(Babasahin ng guro ang tula sa harap ng kanyang mga mag-aaral.)
2. Ikalawang Pagbasa sa Tula
Ngayon
ay tapos ko nang basahin ang tula nang madamdamin at malakas. Ngayon
naman ay bibigyan ko kayo ng pagkakataon upang basahin ito. Babasahin
niyo ito ngayon gaya ng ginawa ko kanina, madamdamin at malakas.
3. Pagtatalakay-Estetiko
Alam
ko na hindi na bago sa inyo ang pagbabasa at pagtatalakay tungkol sa
isang tula. Ngayon ay una nating bigyan ng pansin kung anu-ano ang mga
sangkap ng isang tula.
Kung gayon, ano ang sukat at tugma ng unang ambahan ? Jane Rose.
Mahusay Jane Rose!
Ano naman ang sukat at tugma ng pangalawang ambahan? Reymar.
Magaling mga mag-aaral!
Sadyang mas magandang pakinggan o basahin ang isang tula kung nagtataglay ito ng sukat at tugma.
C. Pagkatapos Bumasa
1. Pagtatalakay sa Binasa
Nabasa
na nga ninyo nang maayos, wasto, malakas at madamdamin ang tula. Ngayon
naman ay bibigyan na natin ng kaukulang pansin ang nilalaman ng tula.
Sa
una po ma’am, pituhan ang bawat linya at ang mga huling salita sa bawat
linya ay may tunog na “o” na walang impit. May sinusunod na tugmaan ang
nga taludtod.
Sa pangalawa naman po ma’am, pituhan ang
pantig ng bawat linya at ang mga huling salita sa bawat linya ay may
tunog na “a” at mahinang katinig (l,m,n,ng,r,w,y).
Sa tingin niyo, sino ang nagsasalita sa tula? Czarina?
Maraming salamat, Czarina!
Oo, maaari ngang ang may-akda ang siyang nagsasalita sa tula. Mayroon pa bang ibang kasagutan? April?
Tama! Napakahusay, April!
Si
Ambo ang siyang nagsasalita sa tula sapagkat gaya nga ng sinabi ni
April, ang kanyang sarili at ang uri ng kanyang pamumuhay ang tinutukoy
niya. At isa pa, ang tula ay umiikot sa kanyang buhay.
Sa
sagot naman ni Czarina kanina, hindi ang may-akda ang nagsasalita sa
tula sapagkat ginamit ng may-akda ang pangunahing tauhan upang masabi
niya ang kanyang gustong ipabatid sa mga mambabasa.
Ilarawan mo nga ang mga tauhang gumanap sa kwento? Jade?
Tama!
Sino pa ang makapaglalarawan sa iba pang tauhan? Michael?
Magaling Michael!
Sino naman sa inyo ang makapagbibigay sa kahulugan ng salitang “ambahan”? Peter?
Mahusay Peter!
Ano pa? John?
Sa tingin ko po ay ang may-akda ang siyang nagsasalita sa tula.
Ma’am,
sa tingin ko po ay si Ambo ang nagsasalita sa tula sapagkat tinutukoy
niya ang kanyang sarili. Siya raw ang dinalaw ng kanyang mga nakilalang
kaibigan na nagmula pa sa malayong lugar.
Ang
mga tauhan sa kwento ay sina Jack, Anne, Ambo at ang mga Mangyan. Sina
Jack at Anne ay magkapatid at pareho silang mabait sapagkat tumulong
sila sa mga Mangyan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang misyon.
Si
Ambo po ay isang batang nakatira sa kagubatan. Kasapi rin siya sa grupo
ng mga Mangyan. Mayroon siyang maliit na kubo na tahanan niya. Isa rin
siyang batang masayahin at palakaibigan.
Ang ambahan po ma’am ay isang tradisyunal na tula ng mga Mangyan.
Ang ambahan po ay mayroong isahang tugma at may sukat na pituhang pantig bawat linya. Wala po itong nakatakdang haba.
Napakahusay mo naman John!
Maaari mo pa ba itong dagdagan, Marivy?
Magaling, Marivy!
Tungkol sa ano ang unang ambahan? Selwyne?
Magaling Selwyne!
Tungkol sa ano naman ang ikalawang ambahan ? May-anne?
Tama May-anne!
Sa tingin niyo ano ang uri ng pamumuhay ang nararanasan ng mga Mangyan, kabilang na si Ambo? Fredelyne?
Magaling Fredelyne!
Ano sa tingin niyo ang naging kinalabasan ng pagdalaw nina Jack at Anne sa tirahan nina Ambo? Chinky?
Tama!
Sa tingin niyo, bakit pinamagatan ng may-akda ang tula na “Ang Ambahan ni Ambo”? Mary-anne?
Ang
ambahan po ay karaniwang kinakanta at maaaring sabayan ng isang
instrumento. Karaniwang tungkol po sa isang sitwasyon sa buhay ang
nilalaman ng ambahan.
Ang unang ambahan po ay tungkol sa pakikibagay ng mga dumayo sa buhay ng mga Mangyan.
Ang
pangalawang ambahan naman po ay tungkol sa pamamaalam ng mga dayuhan at
sa pag-asa ng mga Mangyan na balang araw ay magbalik silang muli.
Batay
po sa pagkakaintindi ko sa tula ay katamtamang antas lamang ang
pamumuhay nila. Ang tangi po nilang ikinabubuhay ay ang kinukuha nila sa
kagubatan at ang pangangaso nila upang mayroon silang pantawid-gutom.
Sa
tingin ko po ay nakabuti ang pagdalaw nina Jack at Anne kina Ambo
sapagkat natutunan nila kung paano mabuhay sa uri ng pamumuhay na
mayroon sina Ambo. Natuto rin ho silang makibagay sa mga tao roon,
lalung-lalo na sa mga Mangyan. Naging magkaibigan sina Ambo, Jack at
Anne kaya naman masasabi kong mabuti o maganda po ang kinalabasan ng
pagdalaw nina Jack at Anne kay Ambo at sa mga Mangyan.
Pinamagatan
po itong “Ang Ambahan ni Ambo” sapagkat ang dalawang ambahan ay ginawa
ni Ambo upang magpasalamat sa mga dayuhang dumayo o nagpunta sa kanilang
lugar. Nagpasalamat siya sa mga karanasang ibinahagi nina Jack at Anne
sa kanya at sa mga Mangyan. Sina Jack at Anne ay naging bahagi ng
magandang karanasan ng mga Mangyan.
Napakagaling niyo mga
mag-aaral. Sadya ngang naunawaan niyo nang mabuti ang tula. Ipagpatuloy
niyo iyan mga. Sa pagtatalakay natin sa tulang ito ay napalawak niyo
nang husto ang inyong mga isipan at nakapagbahagi kayo ng kaalaman sa
inyong mga kasamahan at sa akin.
4. Pagpapayamang Gawain
Matapos
nating matalakay ang tula, magbibigay ako ng ilang gawain upang sa
gayon ay mas mapagyaman pa natin ang inyong kaalaman tungkol dito.
Papangkatin ko kayo ngayon sa apat na grupo. Magbilang kayo ng isa hanggang apat.
Ngayon, maaari na bang magsama-sama ang lahat ng magkakagrupo.
Bawat
grupo ay magtatalaga ng lider. Ngayon, ang bawat grupo ay inaasahang
lapatan ng musika o tugtog ang dalawang ambahan o tula.
Bibigyan ko kayo ngayon ng tatlo hanggang anim na minuto upang malapatan ng musika o tugtog ang dalawang tula.
Pagkatapos
niyo itong malapatan ng musika ay itatanghal niyo ito sa harapan ng
klase upang sa gayon ay makita ko kung gaano kayo kagaling sa paglikha
ng musika o tugtog.
(Magbibilang ang mga mag-aaral)
(Mga inaasahang sagot o gawain ng bawat grupo)
Unang Grupo:
(Ang dalawang ambahan ay isasaliw sa kantang “Best Friend” na siyang pinasikat ng bandang Repablikan.)
Ikalawang Grupo:
(Ang kanta o awiting gagamitin ng ikalawang grupo bilang himig sa
dalawang ambahan ay pinamagatang “Tabi” na pinasikat naman ng bandang
Paraluma.)
Ikatlong Grupo:
(Gagamitin naman ng ikatlong
grupo ang kanta o awiting pinamagatang “Tropa” upang malapatan ng musika
o tugtog ang dalawang ambahan. Ang awiting gagamitin
nila ay pinasikat ng bandang Parokya ni Edgar.)
Ikaapat na Grupo
(Ang huling grupo ay gagamit ng isang awitin na pinasikat ng bandang
Curse One na pinamagatang “ Masaya ako sa’yo” upang sa gayon ay
malapatan ng musika o tugtog ang mga ambahan.)
No comments:
Post a Comment